DON FERNANDO
Si Don Fernando ang ama ni Don Juan , Don Pedro at DonDiego.Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay nagkasakit sa simla nang storya dahil napanaghinipan niya na pinatay ang kanyang bunso na si Don Juan. Ang magpapagaling lang sakanya ay ang Ibong Adarna na hahanapin nang tatlong magkakapatid.
DON PEDRO
Si Don Pedro ang pinakamatanda sa tatlong magkakapatid. Siya din ang pinakaunang naghanap sa Ibong Adarna ngunit hindi nagtagumpay. Si Don Pedro ay isang masamang kapatid. Noong iniligtas siya ni Don Juan , pinagtaksilan nila nito ni Don Diego. Binugbog nila at iniwan si Don Juan upang ipalabas sa hari na sila ang nakakuha nang Ibong Adarna. Si Don Pedro din ang nagplanong pakawalan ang Ibong Adarna habang si Don Juan ang nagbabantay. Siya din ang pumutol sa lubid ni Don Juan noong paakyat siya nang balon. Inagawa din niya ang babaing iniibig ni Don Juan na si Donya Leonora , ngunit siya ay tinangihan dahil si Don Juan ang tunay niyang mahal.
Ito ay kinopya mula sa: https://ibongadarnap31h.wordpress.com/
DONYA LEONORA
Pagkalarawan : Si Donya Leonora ang isa sa mga iniibig ni Don Juan. Siya ay iniligtas ni Don Juan sa kanilang palasyo pagkatapos niya sagipin ang kapatid ni Donya Leonara na sa si Donya Juana. Si Don Pedro din ay may gusto kay Donya Leonora , ngunit ang tunay niyang mahal ay si Don Juan kaya kahit anong pilit ni Don Pedro , hindi ito gumagana. Si Donya Leonara din ang ipinakasalan ni Don Juan noong nakalimutan niya si Donya Maria.
Arsobispo
Siya ang nagkasal kay Don Juan at Donya Leonora.
DON JUAN
Si Don Juan ang Pangunahing Tauhan sa Ibong Adarna, siya ay nakipagsama sa tatlong iba’t-ibang babae. Isang Prinsipe ng Berbanya at anak ni Don Fernando at Donya Valeriana, kapatid ni Don Diego at Pedro(Bunso).
DON DIEGO
Si Don Diego ang ikalawang anak ni Don Fernando at Donya Valeriana. Asawa ni Donya Juana, pinakatahimik sa magkakapatid.
DONYA MARIA
Si Maria ang anak ni Salermo at nakatira sa de los Cristales. Asawa ni Don Juan. Marunong gumamit ng Mahika.
IBONG ADARNA
Isang Ibon na may mahika na makakapaggaling ng mga tao pero ang dumi nito ay ginagawang bato ang mga tao
DONYA JUANA
Si Donya Juana ang kapatid ni Donya Leonora, unang iniligtas ni Don Juan sa balon pero naging asawa ni Don Pedro.
DONYA VALERIANA
Si Donya Valeriana ang asawa ni Don Fernando at ina nina Pedro, Diego at Juan.
HARING SALERMO
Siya naman ang hari ng Reyno de los Cristales. Ayaw niya ibigay ang anak niya, si Donya Maria sa mga lalaki. Nakakapaggamit din ng mahika
Ermitanyo sa Bundok Tabor
Pagkalarawan: Ermitanyo na nagtulong kay Don Juan hulihin ang Ibong Adarna at gawin normal ang kanyang mga kapatid.
Ermitanyo 2
Pagkalarawan: Nagtulong kay Don Juan para makausap ang pangatlong Ermitanyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng baro ni Jesus
Ermitanyo 3
Pangatlong Ermitanyo na marunong magkausap ng mga hayop sa dugat. Nagtulong kay Don Juan hanapin ang agila na alam kung saan ang Reyno De los Cristales.
Leproso sa Bundok Tabor
Leproso na tinulungan ni Don Juan sa pamamagitan ng pagbigay ng tinapay. Tinulungan din niya si Don Juan sa pamamagitan ng pagsabi kung saan ang Ermitanyo ng Bundok Tabor. Pareho silang tao ng Ermitanyo ng Bundok Tabor.
Matanda 1
Matanda na nagsabi kung ano ang lunas sa sakit ni Haring Fernando(Ibong Adarna)
Higante
Ang higante ay ang nagbantay kay Donya Juana sa ilalim ng balon.
Serpyente
Ang Serpyente ay ang isa sa dalawang taga-bantay ni Donya Leonora sa palasyong nakatago sa ilalim ng balon.
Matanda 2
Itong matanda ang tumulong kay Don Juan noong siya ay pinagtaksilan ng mga kapatid at iniwan lamang nang bugbog at walang makain. Mahalaga itong matandang ito dahilkung hindi dahil sa kanya ay namatay na kaagad si Juan.
Juana
Siya ang isang kapatid ni Donya Maria at ang isa pang anak ni Haring Salermo na naninirahan din sa Renyo de los Cristales.
Isabella
Siya ang isa sa mga kapatid ni Donya Maria.
Mga Tao sa Berbanya
Ang mga tao sa Berbanya ay napakamasunurin. Tahimik ang kaharian ng Berbanya dahil lahat ng utos ng hari ay sinusunod nila. Kapag masaya ang hari, masaya rin sila katulad noong kasal ni Diego at kapag malungkot ang hari, malungkot na rin sila katulad noong umalis si Juan sa Berbanya upang hanapin at hulihin ang Ibong Adarna.
Mga Tao sa de los Cristales
Ang mga tao sa de los Cristales ay naging masaya noong bumalik na ang prinsesang si Maria at naging reyna na ng kaharian na iyon habang si Juan naman ang hari ng kaharian.
Lobo
Ito ang kasama ni Doya Leonora sa ilalim ng balon at ito rina ang tumulong kay Don Juan nang nahulog siya sa balon.
Agila
Ang Agila ang nag-dala kay Don Juan papuntang Renyo de los Cristales. Ito ay nag-pangako na dadalin niya si Don Juan sa Renyo de los Cristales nang hindi nasasaktan.
Olikornyo
Ito ang nagdala kay Juan sa pangatlong ermitanyo sa kanyang paghahanap sa de los Cristales.
Negrito
Ito ay ang nagkaroon ng palabas noong kasal at kapag pinapalo siya, si Juan ang nasasaktan.
Negrita
Ang negrita ay kasama ng negrito sa laro ibinigay ni Maria Blanca sa kasalan ni Juan at Leonara. Nag-uulat ang negrita ng mga pinaghirapan ni Juan kasama ni Maria Blanca.
Mediko
Mediko ng Berbanya na hindi alam kung ano ang sakit ni Haring Fernando