top of page

Pasulit

Kabanata 11

KABANATA 11

Inggit ang Sanhi

 

Pagbalik ni Don Juan sa Kaharian ng Berbanya pagkatapos pagtaksilan ng kanyang dalawang kapatid. Humingi si Don Juan ng kapatawaran kay Don Fernando para kina Don Pedro’t Don Diego. Inatasan ni Don Fernando ang mga magkakapatid na bantayan ang Ibong Adarna. Isang gabi, pagkatapos bantayan ni Don Pedro ang Ibong Adarna, ginising na niya si Don Juan kahit hindi pa niya oras magbantay. Habang nagbabantay si Don Juan, nakatulog siya at dumating nanaman ang dalawang taksil. Pinkawalan nilang dalawa ang ibon at umalis. Pagkagising ni Don Juan ay nawala na ang Adarna. Siya ay nabahala at sinisi ang sarili. Umalis siya ng Berbanya upang hanapin ang ibon. Kinaumagahan, hindi na nakita ni Don Fernando ang ibon. Nagalit siya at tinanong kung sino ang huling nagtanod. Sinabi ng dalawang taksil na si Don Juan at kaagad-agad siyang pinahanap sa dalawa niyang kapatid. Umabot sila sa Kabundukan ng Armenya.

bottom of page