top of page

Pasulit

Kabanata 5

KABANATA 5

Hangad makatulong

 

Hindi nakabalik sina Don Pedro at Don Diego kung kaya’t lalong nag-alala ang hari at lumubha ang kanyang sakit. Gustuhin man niyang ipadala si Don Juan ay natatakot siya na baka hindi ito makabalik.

 

Samantala ay masama naman ang loob ni Don Juan sa mga pangyayari. Hindi na kasi nakabalik ang kaniyang mga kapatid at malubha na ang sakit ng kanyang ama. Ayaw niyang mamatay ang kanyang ama kung kaya’t humingi siya ng bendisyon sa magulang. Kung di daw siya papayagan ay aalis siya ng walang paalam.

 

Pinahintulutan siya ng magulang at binigyan ng bendisyon. Naglakbay si Don Juan ng walang kabayo at may baon na limang pirasong tinapay. Nagdarasal din siya palagi sa Inang Birhen para di siya mapahamak.

 

Para hindi siya magutom, kumakain siya ng isang pirasong tinapay kada isang buwan. Nakarating din siya sa bundok sa loob ng apat na buwan. Doon ay may nakita siyang isang lalakeng may sakit na ketong.

bottom of page