top of page

Pasulit

Kabanata 21

KABANATA 21

Bunga ng Pinaghirapan

 

Sa kabanata na ito makikita natin ang pagpapatuloy ng

paglalakbay ni Don Juan papunta si Reyno De Los Cristales.

Pagkatapos siyang utusan ng matanda na ibigay ang barong sa

Ermitanyo na ang balbas ay hanggang baywang. Ngunit nang

kanyang ibigay, nagulat ang Ermitanyo at nagpasalamat sa Diyos.

Sinubukan na tulungan ng Ermitanyo si Don Juan. Tinawag ng

Ermitanyo ang mga hayop ng Armenya at tinanong sila kung alam

nila kung saan ang Reyno De Los Cristales. Sumagot ang mga

hayop na hindi nila alam kung nasaan ito. Ngunit sinabi ng

Ermitanyo na pumunta siya sa ikapitong bundok at hanapin ang

isang matanda. Pumunta siya dito gamit ang Olikornyo na pinahatid

nang Ermitanyo. Pagkadating nila sa bundok , nakita ni Don Juan

ang Matanda na may balbas na abot sa lupa. Nagulat din siya sa

kanyang natanggap na barong. Bilang kabayaran , tutulungan na

niya si Don Juan. Tinawag niya ang mga hayop at tinanong kung

alam nila kung nasaan ang Reyno De Cristales. Ang tanging

nakakaalam ay ang Agila dahil kakapunta lang niya doon. Inutusan

na nang matanda na ihatid nang Agila si Don Juan sa kanyang

pupuntahan. Sabi nang Agila na ibaba niya si Don Juan sa banyo ni

Donya Maria.

bottom of page