top of page

Pasulit

Kabanata 2

KABANATA 2

Kaharian ng Berbanya

 

Si Don Fernanado, ang hari ng Berbanya, ay mabait at iginagalang ng lahat, mahirap man o mayaman. Mataas ang pagtingin sa kanya ng mga hari sa ibang kaharian. Ang kanyang asawa ay si Donya Valeriana. Siya ay sobrang ganda at walang katulad sa bait.

 

Mayroon silang tatlong anak: Si Don Pedro ang panganay, si Don Diego ang pangalawa at si Don Juan naman ang bunso. Si Don Pedro ay may magandang tindig. Si Don Diego naman ay may pagkamahiyain at mahinahon magsalita. Si Don Juan naman ay napakabait at sobrang mapagmahal. Silang talo ay mahal na mahal ng kanilang mga magulang.

 

Isang araw, itinanong ni Haring Fernando kung ano ang gusto nilang maging pagdating ng panahon. Pinapili sila kung gusto nilang maging hari o maging pari. Lahat sila ay nagnais na maging hari kung kaya’t sila ay pinagaral sa paggamit ng armas.

 

Naging maganda ang Berbanya dahil sa mabuting pamumuno ni haring Fernando. Ngunit isang gabi ay nagkaroon ng masamng panaginip ang hari. Si Don Juan daw ay napahamak at pinatay ng dalawang tao. Matapos na mapatay si Don Juan, ang katawan nito ay inihagis sa isang balon.

 

Nagising ang hari dahil sa labis na kalungkutan. Nagkasakit siya ng maulbha at naging mahina ang pangangatawan. Walang makaalam kung ano ang naging sakit ng hari maliban sa isang manggagamot. Ang sakit daw ng hari ay dahil sa kanyang masamang panaginip. Ang tanging magiging kagamutan ay ang awit ng Ibong Adarna na nakatira sa BundokTabor.Ito ay tumitigil sa Piedras Platas at tumitigil lamang doon kung gabi.

 

Agad na inutusan ng hari si Don Pedro na magpunta sa bundok at kunin ang ibon.

bottom of page