top of page

Pasulit

Kabanata 3

KABANATA 3

Hamon kay Don Pedro

 

Agad sinunod ni Don Pedro ang utos ng ama. Sakay siya ng isang kabayo at naglakbay sa loob ng tatlong buwan para marating ang Bundok Tabor. Nakita niya ang isang punongkahoy, ang Piedras Platas, na kumikislap na parang diyamate.  Mayabong at bukod tangi ang mga dahon ng puno. Nagpahinga siya sa ilalim ng puno kahit walang mga ibon na dumadapo sa puno. Noong nakatulog siya dumating na ang Ibong Adarna. Umawit ang Ibon Adarna ng pitong beses at nagbago ang balahibo ng pitong beses. Dumumi ang ibon at napatakan si Don Pedro at naging bato ito.

bottom of page